Una sa Balita

Ginebra, Blackwater maglalaklakan sa Davao lakas amats!

By
0 396

Laro ngayon: (Davao del Sur Coliseum)
5 pm – Ginebra vs. Blackwater

MULING sasabak sa road game ang Ginebra, dadayo naman ng Digos, Davao del Sur para harapin ang 1-4 Blackwater sa Petron Saturday Special ng PBA Philippine Cup mamaya.

Inumpisahan ng crowd darlings ang season sa Philippine Arena sa Bocaue, nakaisang laro sa Smart Araneta Coliseum. Sumunod ay sa Calasiao sa Pangasinan, huli sa Ynares Center sa Antipolo noon lang Sabado.

Sa mga larong ‘yun ay 2-2 ang Gins.

Sa panglimang laro, bibiyahe sa pang-apat na lugar sa labas ng Metro Manila ang Gins.

“I always tell my players to control the things you can control,” pahayag ni coach Tim Cone pagkatapos ng huling laro, ang 97-85 win laban sa Columbian Dyip. “We cannot control the schedule, so we have to deal with it the best we can.”

Nakakaubos ng lakas ang biyahe, pero kaila­ngang ipagpag ng team ni Cone dahil Ginebra sila, crowd favorites.

“It’s a tough road for us, but we’re Ginebra,” anang coach. “Where we go, the fans go. They need us around so we understand that.”

Pagkatapos ng asignatura sa Digos, pahinga ang PBA dahil sa final window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Muling sasabak ang Ginebra sa March 3 kontra Alaska sa Antipolo ulit, bago hahamunin ang NLEX sa Angeles City sa Pampanga sa March 23.

Inumpisahan ng Blackwater ang season sa dalawang talo, nasingitan ang Rain or Shine 111-99 noong Jan. 30 pero nadala­wahang sunod na semplang ulit sa Phoenix 114-95 at huli sa San Miguel Beer 93-79 noong Miyerkoles.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy