Una sa Balita

Ginang umasenso sa pagtatanim ng ube

By
0 681

Sa matagal na panahon ay nakatiwangwang lang ang lupa ni Concordia ‘Nanang Cita’ Alcomendras sa Sagbayan, Bohol.

Nasubukan na niya itong taniman sa nakaraan pero hindi nagtagumpay dahil sa kakulangan ng kaalaman at suporta ng gobyerno.

Pero nang alukin siya ng municipal agriculture office (MAO) na gawing ubi techno demo farm ang 2,500 square meter niyang lupain ay hindi siya nagdalawang-isip.

Ngayon ay nakapag-harvest na siya ng 2,500 kilo ng ubi kinampay.

Ito ang nakapagbago sa pamumuhay ni Nang Cita, salamat sa tulong ng Department of Agriculture-Region 7.

“Daku kaayo ako pasalamat sa DA-7 nga ako ang napili nila nga mahimong Ubi Woman-Cooperator para sa techno demo. Daghan kaayo ko nakat-unan sa maong pagbansaybansay,” saad ni Nang Cita sa wikang bul-anon.

Ayon kay Nang Cita, tinulungan siya ng DA at agriculture office ng Sagbayan sa mga teknonolohiya, fertilizer, bamboo slabs at technical support para sa pagtatanim ng ubi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy