Una sa Balita

Ginang tinadtad ng bala

By
0 3

Patay ang isang ginang makaraang ito ay pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa Sta. Rosa, Laguna kamakalawa ng gabi.

Wala nang buhay nang datnan ng mga pulis ang biktimang kinilalang si Nova Greganda Beato, 40-anyos, residente ng Barangay Sinalhan, Sta. Rosa City bandang alas-10:20 ng gabi.

Nakahandusay ito sa lupa at tadtad ng tama ang baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ang bangkay sa NIA Road, Barangay Tagapo.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng 9mm na baril na siyang ginamit ng suspek.

Palaisipan pa rin sa mga pulis ang motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek.