Una sa Balita

Ginang putol ang braso sa sumalpok na jeep sa puno

0 409

Sugatan ang apat na pasahero kabilang ang mag-ina at dalawang babae makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa isang puno sa bayan ng Lambunao, Iloilo, Biyernes ng umaga.

Kabilang sa mga nasugatan ang isang 8-anyos na nagtamo ng sugat sa kanang braso; ang ina na si Mary Jean Jaque, 38, na naputol ang kaliwang braso; Maria Wesin Mamon, 47, na nagtamo ng sugat sa kilay at Susanita Luceno, 64, na nabalian naman ng buto sa kanang balikat.

Bukod sa apat na sugatan, dinala rin ang ilang pasahero sa Lambunao District Hospital para masuri.

Nabatid na patungo ang jeep sa Kabataan Alay sa Bayan (KAB) Scouts and Kid Scouts District Rally sa Maribong nang mawalan ng brake ang pampasaherong jeep na minamaneho ni Ivy Sumandi.

Ayon kay Staff Sergeant Rexan John Engada, traffic investigator ng Lambunao police, kargado ng 38 pasahero ang jeep mula sa Panuran Elementary School at napadaan sa lugar na kung saan idineklara na nila itong accident-prone area.

Kasalukuyang nakakulong si Sumandi sa Lambunao detention cell at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy