Una sa Balita

Ginang, nagbigti sa death anniversary ng anak sa La Union

By
0 1,007

Sa araw ng ika-11th birthday death anniversary ng kanyang anak kahapon, isang 58-anyos na ginang ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa bayan ng Agoo, La Union.

Ayon kay Agoo Police Station (APS) chief investigator SPO1 Brian Alvin Cabe, nakilala lamang ang biktima sa pa­ngalang Myra, (hindi tunay na pangalan), ng nasabing bayan.

Ayon kay Cabe, lumitaw sa imbestigasyon na birthday anniversary ng namatay na anak ng biktima at nagkulong na itosa kanyang kuwarto.

Laking gulat na lamang ng kaanak ng biktima nang buksan nila ang silid ng biktima at nakitang nakabitin na ang 58-anyos na ginang gamit ang nylon cord.

Sinabi ng mga kaanak na sa sobrang depresyon sa pagkawala ng kanyang anak ay isa sa mga dahilan kung bakit nagpakamatay ang biktima.