Una sa Balita

Ginang nabangga ng motorsiklo sa Cavite

By
0 513

NABUNDOL ng motorsiklo­ ang isang 63-anyos na ­ginang matapos na ­mag-overtake sa isa pang sasakyan habang ang una ay tumatawid sa kalsada.

Namatay habang ginagamot sa Dasmariñas City Medical Center ang biktimang si Delia Marquez ng B10, L72 Ph 5 Golden City, Brgy. Salawag, Dasmariñas City Cavite.

Arestado naman ang driver ng motorsiklo na si Julius Agoylo, 26, ng B209 Excess Lot Ph 5 Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City Cavite.

Sa report ni PO1 ­Norman Guerra ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-7:30 nang gabi nang naganap ang insidente­ sa harapan ng District Mall sa Brgy. ­Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Nauna dito, minamaneho ni Agoylo ang kanyang Suzuki FW110 na motorsiklo habang binabagtas ang direksiyon ng Paliparan galing sa Bacoor City nang pagsapit sa nasabing lugar ay nag-overtake ito sa isang sasakyan na siya namang pagtawid ng biktima kaya ito nasagasaan.

Dinala si Marquez sa ospital subalit namatay ito habang ginagamot.