Una sa Balita

Ginang na nanalo ng ₱1M nag-donate sa autism program

0 862

IMBES na gamitin sa personal na panga­ngailangan, nagdesisyon ang Pinay na nagwagi sa kauna-una­hang ASEAN Prize na gamitin ang P1 milyong napanalunan sa autism program sa bansa.

Sinabi ni Erlina Uy Koe, chair emeritus ng Autism Society Philippines (ASP) at chair ng ASEAN Autism Network, na gagamitin niya ang napanalunang $20,000 sa kanyang adbokasiya.

Ayon kay Koe, ibabahagi niya ang kanyang napanalunan sa 96 chapter ng ASP upang sa gayon ay masundan ng mga ito ang ginagawa nila sa national level.

Aniya, kinakailangan ang hindi magastos na autism therapy center upang mas marami silang matulungan. Kinakailangan din na magsagawa ng seminar sa buong kapuluan.

Binanggit pa ni Koe na para mapagtagum­payan ang kanilang adbokasiya, kailangan nilang magtulong-tulong at malaking bagay ang perang napanalunan niya sa ASEAN Prize.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy