Una sa Balita

Ginang na nakipagsabunutan, todas sa atake sa puso

By
0 765

PATAY ang isang 45-anyos na babae matapos atakihin sa puso habang nakikipag-away sa kapwa babae kamakalawa nang gabi sa Dagupan St., Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Merlita dela Cruz, taga Blk. 6 Lot 9 Las Palmas, Caypomo, Sta. Maria, Bulacan.

Arestado naman ang suspek na si Jennifer Tuan, 45, taga Brgy. 186 Dagupan St. Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO1 Kim Gonzales ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-sais nang gabi sa tinutuluyang bahay ng biktima at ka-live in nitong si Jose Mendoza, 64.

Magkasama umano ang biktima at si Mendoza nang magtatalak ang suspek sa harap ng kanilang bahay at kung ano-anong masama ang sinasabi sa kanilang dalawa.

Pinakiusapan ni Mendoza ang ka-live in na pumasok na lamang sa loob para iwasan ang suspek na si Tuan.
Bigla umanong nagsabunutan ang dalawa hanggang sa bigla na lang nakita na bumubula ang bibig at nagreklamo ng paninikip ng dibdib si Cruz.

Ayon sa suspek, nagalit umano siya sa biktima nang sabihan siyang ‘baliw’ at ‘pokpok’.
Nakadetine sa MPD-Integrated Jail ang suspek at sinampahan ng kasong murder sa Manila Prosecutors Office (MPO).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy