Una sa Balita

Ginang, ginahasa ng parak

By
0 9

Isang babae na anak ng isang inmate ang ginahasa ng isang pulis sa Calamba, Laguna kamakalawa ng tanghali.

Batay sa reklamo sa pulisya ng biktimang itinago sa pangalang ‘Sabel’, dakong alas-10:00 ng umaga nang dumalaw siya sa kanyang tatay na nakakulong sa lockup cell ng Calamba police.

Nang pauwi na siya, nag-alok umano ang suspek na si SPO3 Ronald Sherwin Canson, miyembro ng Calamba PNP, na sumakay na ang biktima sa kanyang sasakyan.

Abante Hiring – IT dep

Subalit nang makasakay na ito, bigla siyang dinala ng pulis sa Garden Inn Hotel sa Barangay Pansol at doon walang awa umano itong ginahasa ng pulis.

Matapos ang pagsasamantala, isinakay muli umano ito ng pulis sa sasakyan at ibinaba sa barangay Halang.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kaanak at nakapagsumbong sa pulisya.
Sa presinto, ipinatawag ang pulis at agad itong na-identify ng biktima.

Mabilis na inaresto ito at inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.