Una sa Balita

Ginang dedo, sundalo kritikal sa road mishap

0 283

AGAD binawian ng ­buhay ang isang ginang habang sugatan naman ang mister nitong sundalo makaraang maaksidente ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa kahabaan ng national road, Brgy. Upi, Gamu, Isabela Linggo ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Isabela Doctors General Hospital ang biktimang si Jazel Agustin Tamayo, 30-anyos, residente ng Purok 3, Brgy. Guibang, Gamu ng lalawigang ito sanhi ng matinding pinasala na tinamo sa kaniyang katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng ­lunas sa Isabela District Hospital si Sgt. Mark ­Lan-lan Tamayo, nasa hustong gulang, ­enlisted personnel ng Army’s 5th Infantry Division.

Sa ulat ng Isabela Police, naganap ang sakuna sa bahagi ng nasabing highway bandang alas-9:40 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, ­kasalukuyang minamaneho ng ­sundalo ang kanyang motorsiklo kaangkas ang misis nito na bumabagtas sa ­nasabing lugar partikular sa boundary ng Gamu at ­Ilagan ng lalawigan nang mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng kontrol sa ­manibela ang nasabing ­sundalo dahilan upang ­sumalpok ang motorsiklo sa gilid ng kalsada at tumila­pon sa kanilang sinasakyan.

Nagtamo ng matinding pinsala ang misis ng nasabing sundalo na nabagok pa ang ulo sa simento. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More