Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ginang binoga sa sariling bahay

0 129

Mismong sa loob ng kanyang bahay napaslang ang 60-anyos na ginang nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Labangan, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Noeme Degayo Perolino, may-asawa at residente ng Puro 3 Brgy. Bagalupa. Hindi na ito umabot sa ospital matapos magtamo ng isang tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril, sa kanyang dibdib na tumagos sa kanyang likuran.

Sa ulat ni P/Maj. Jerome Pamalaran, hepe ng Labangan Municipal Police, naganap ang insidente dakong alas-10:00 Sabado ng gabi.

Napagalaman na patungo sana ito sa palikuran subalit pagsapit niya sa bandang kusina ng bahay ay bigla umanong sumulpot ang hindi pa kilalang suspek at binaril ang ginang sa dibdib.

Matapos ang insidente ay mabilis ding tumakas ang suspek habang sinubukan pang isalba ang buhay ng ginang subalit idineklarang dead on arrival sa ospital. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.