Ginamot ang maysakit sa Astral Travel

0 340

Mga ka-Misteryo isang kakaibang karanasan ang ibinahagi sa #Misteryo ni Louie ng Marikina nang gamutin niya ang isang maysakit sa kanyang astral travel.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Maging si Louie ay nabigla nang paghiga niya ay bigla siyang kumalas sa kanyang katawan, ang-astral projection at dinala siya sa bahay ng isang pasyente.

Alam niyang naka-astral siya dahil hindi lang ito ang unang pagkakataon na lumabas siya ng kanyang katawan at maglakbay.

Misteryo: “Paano yun? Hindi mo ba kontrolado yung astral travel mo? At bigla ka dinala sa bahay ng pasyente?”

Louie: “Sakto ganun nga kaya nabigla nga ako at dinala ako sa isang tao na may sakit hindi naman ako healer pero may tinig na nagsasabi sa akin kung ano ang kailangang gawin. Yun ang sinunod ko.”

Misteryo: “Ginamot mo ba yung may sakit? Paano mo ginawa yun? Naka-astral ka may bisa ba yun? Hindi ba dapat pisikal mo gawin ang gamutan?”
Louie: “Ginawa ko ang kailangang gawin tulad ng ginagawa ko sa pisikal yung itatapat ko ang mga palad ko sa bahagi ng katawan na may problema. Pinagawa pa nga sa akin ang psychic surgery habang naka-astral kaya ayun ginawa ko nga yun. Hindi nga ako makapaniwala sa sarili ko at nagawa ko yun.”

Misteryo: “Pagkatapos ng healing session mo sa pasyente, anong sumunod na nangyari? Teka may interaksyon ka ba sa may sakit nang isalang mo sa healing session?”
Louie: “Meron akong interaksyon, nakausap ko siya at sumasagot siya sa mga tanong ko. Hindi ko lang alam kung maalala niya ang ginawa ko sa kanya at ang ginawa kong panggagamot sa kanya. Sana ay nakatulong ako para gumaling siya sa sakit.”

Sa pananaw ng #Misteryo posibleng makatulong sa pasyente ang ganitong paraan ng gamutan dahil ginawa ang healing session sa astral plane. Ito ay mula sa paniniwala na kailangang magsimula ang gamutan at kagalingan sa astral plane para ang epekto ay sa katawang-pisikal.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan at misteryo, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at www.abante.com.ph.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...