Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Ginamit sa kasinungalingan’: Marian pumalag sa mga manggagantso

0 125

Naalarma kami sa mga nagpa-pop-up sa Facebook account namin na ads ng isang slimming product. Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang lumalabas na celebrity endorser nito.

Dahil familiar naman kami sa mga produktong ine-endorso ni Marian, nag-viber message kami sa kanya at sinend namin ang naturang ad. Ilang pictures din ‘yon at talagang kung hindi ka aware sa mga fake news at disinformation, madaling mapapaniwala ang mga netizens. Magaling din ang pagkaka-photoshopped. Meron pang “hawak” ni Marian ang product. Meron din na iisipin mo, si Marian talaga ang nagsasalita habang ine-endorso ang produkto. Kaya hindi lang photo edit ang ginawa, pati video edit na rin.

Nag-reply agad si Marian nang sinend namin ito sa kanya at sa tanong namin kung siya ba talaga ang endorser, isang “Hindi!” ang mabilis niyang reply.

Dapat siguro ay mag-complaint ang management ni Marian, ang Triple A sa mga ganitong panloloko. Bukod sa gamit na gamit sa kasinungalingan si Marian para mabenta ang produkto nila, ang dami rin mga netizens na naniniwala na si YanYan nga ang endorser base sa mga comments na binasa namin.

Sa isang banda, masaya naman sina Marian at Dingdong Dantes dahil ang pilot ng “Jose & Maria’s Bonggang Villa” noong Sabado ng gabi ay nakakuha ng napakataas na rating at masasabing nalampaso talaga ang mga katapat na shows.

Michael V. posibleng matsugi sa ‘Bubble Gang’

Ngayong May 27, may mga pagbabago ng mapapanood sa longest running gag show sa telebisyon, ang GMA-7’s “Bubble Gang.”

Bukod sa bago nitong mas pinaagang time-slot na 9:40 pm, may bagong mga segments na mapapanood at new cast.

May mga cast members kasi na nawala na at napalitan naman ng mga bago. Kabilang sa mga nawala ay sina Mikoy Morales, Arra San Agustin, Lovely Abella at iba pa. Mga bago namang mapapanood sina Tuesday Vargas, Faith Da Silva, Dasuri Choi, Kim de Leon.

At kahit inamin ni Michael V na nakausap din daw niya ang bawat isang nawala, pero nando’n daw talaga ang kirot kapag may nawawala.

“Siyempre, palagi namang may kirot kapag may isang cast member na magpapaalam or mawawala. Pero lahat naman ng pumasok sa industriya, alam naman ang kalakaran ng show business.”

At sabi pa niya, “Even myself, hindi rin naman ako absuwelto. Kumbaga, parang kahit ako, pwedeng mawala sa show na ‘to.”

Hirit naman namin kay Bitoy, kung siya ang mawawala, baka mawala na rin ang Bubble Gang.

“Hindi naman, hindi naman siguro,” natawang sabi niya.

At kilala ang Bubble Gang sa pagpapakilala ng mga nakatatawang character base sa mga sikat o kilalang personalidad. Ngayong magkakaroon na ng bagong administrasyon, tinanong namin si Bitoy kung makikita rin ba rito ang ilang mga bagong character sa gobyerno o pulitika.

“Definitely, definitely,” saad niya.

“Hangga’t hindi binubusalan ang karapatan ng mga shows para mag-express,” natawang sabi niya. “I’m pretty sure, makakapanood kayo ng mga sketches, mga gags, satire regarding the government and otherwise.

Leave A Reply

Your email address will not be published.