Una sa Balita

Gina Lopez tunay na bida sa ABS-CBN Ball

0 232

Ang namayapang si Gina Lopez nga raw ang tunay na bida sa katatapos lang na ABS-CBN Ball. Unang-una, ang beneficiary nga nito ay ang itinayo niyang programa na Bantay Edukasyon, the Bantay Bata 163 program, na magbibigay ng scholarship grant sa mga mahihirap na kabataan.

Ito nga ang paraan ng mga artista para parangalan ang late philanthropist, “G Diaries” host and the Leading Lady of Ecotourism, Gina Lopez.

Sa programa pa lang na hinost ni Billy Crawford, ipinakita na agad si Gary Valenciano sa tribute para kay Gina, na kung saan ay inawit niya ang “I Believe I Can Fly” (na paborito ni Gina). Kasunod ang toast sa pangunguna ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez at President Carlo Katigbak to cap off the heart-warming feature to the founder of Bantay Bata 163.

At bilang selebrasyon din ng kanilang 65 taon, inawit naman nina Pilita Corales, Dulce, Vina Morales, Moira dela Torre, Lala Vinzon, Elha Nympha, Lance Busa, Lucas Garcia, Zephanie Dimaranan, Jed Madela, Erik Santos, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Arnel Pineda, Martin Nievera ang mga pinasikat na theme song ng mga teleserye ng Dos.

At sa huli, nagbigay-parangal din sa mga dumalo na artista, tulad nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na wagi ng NU Essence’s Couple of the Night award, at Bea Alonzo bilang Metro’s Best Dressed.

Ang bagong Darna na si Jane de Leon ang nanalong Belo Beauty on the Rise award, at si Maymay Entrata ang Belo Belle of the Ball.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy