Una sa Balita

Gina, botong-boto kay Maya para kay Geoff!

By
Maya, Geoff at Gina
0 5

Inamin ng singer na si Maya na na-experience niyang ma-bash sa social media dahil girlfriend siya ni Geoff Eigenmann. Kinu-compare siya ng netizens sa ex-girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana.

Hindi na lang daw niya pinatulan ang mga bashers dahil masyado raw siyang busy at alam niyang hindi tama ang sumagot sa mga iyon.

“At first, medyo naapektuhan ako. Kasi wala naman akong ginagawang masama, pero biglang bina-bash ako.

“Never ko naman kinumpara ang sarili ko with Carla. Magkaiba kami talaga. It just so happens na dumating si Geoff sa buhay ko. And we clicked. Tanggapin man nila o hindi, Geoff has moved on and si Carla, nag-move on na rin siya,” say ni Maya.

Ten months na nga silang may relasyon ni Geoff at getting stronger daw ang pagsasama nila. Sa event nga ng Rene Mouris Watches sa City of Dreams ay magkasama ang dalawa at kasama rin ang ina ni Geoff na si Ms. Gina Alajar.

Sey pa ni Maya na maayos ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Geoff lalo na ang ina nitong si Gina. At sabi nga ni Gina, oo naman, boto talaga siya kay Maya para kay Geoff!

“Ang bait po nila sa akin. Si Tita Gina, she’s so cool. Mabilis niya akong winelcome sa pa­milya nila.

“Noong time na pinakilala ako ni Geoff sa kanya, kinabahan ako. Pero I already felt her warmth sa ­unang meeting pa lang. Kaya ang gaan kaagad ng loob namin sa isa’t isa.

Sa Christmas nga raw ay sa bahay nina Geoff sa BF Homes, Parañaque magno-Noche Buena si Maya.