Una sa Balita

Gillenwater sisipain ng SMB?

By
0 1,349

MAGPAPALIT na kaya ng import si SMB Coach Leo Austria?

Ito ay matapos na mapatalsik sa labas ng court ang kanyang import na si Troy Gillenwater at hindi nakatulong sa overtime na pagkatalo ng Beermen nitong Linggo sa Rain or Shine 123-119 sa larong idinaos sa Antipolo.

Kaya 0-2 start na si Gillenwater dahil tiklop din ang SMB sa Meralco Bolts noong May 9.

Na-eject si Gillenwater sa huling bahagi ng 2nd quarter dahil sa kinaldag niya ang isa sa mga referee.

Sa loob ng 14 minuto na paglalaro naka-11 points naman siya, tatlo lamang ang rebounds at may dala­wa ring turnover.

Inamin din ni Austria na kung ikukumpara sa ibang import sa kasalukuyang kumperensiya, hindi siya impressed kay Gillenwater.

Matapos ang nakakapagod na laban, sinabi ni Austria na isasalang na si Gillenwater sa evaluation.

Pero binigyan niya ng diin na hindi lamang siya ang mag-e-evaluate sa kanilang import kundi lahat ng coaching staff kung nakakatulong ito sa team.

Kaya nga ang susunod na laro ni Gillenwater ay masasabing krusyal para sa kanya.

Kung sabagay, may pagkakataon pa si Gillenwater na makabawi dahil sa May 30 pa ang susunod na laban ng SMB kontra sa Phoenix Fuel Masters.

Tungkol kay Christian Standhardinger, malaki ang kanyang improvement kontra sa RoS.

Naka-17 points at humatak ng 15 rebounds si Standhardinger pero hindi nakapag-deliver sa huling bahagi ng overtime na sagupaan.

Hindi naka-double figure ang Fil-German rookie nang matalo sa Meralco Bolts noong May 9.

Kapag nagkataon, ang SMB ang pangalawang magpapauwi ng import.

Naunang nagpalit ng import ang Columbian Dyip.