Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gilas women durog sa China

0 81

LAGAPAK agad sa unang laro ang Gilas women matapos tambakan ng China, 143-52, sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup Lunes ng gabi [Manila time] sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.

Sa unang salang ay pinilit pa ng mga Pinay na idikit ang laro sa 22-15 ngunit nagsimula ang bagsik ng China matapos magpaulan ng 13-2 blitzkrieg upang tapusin ang unang quarter sa 35-17.

Related Posts

Nanguna sa ratratan ng China si Yang Liwei matapos kumubra ng 21 points, 5 assists, 5 steals at 2 rebounds habang umagapay rin si Li Yeuru ng 18 markers, 6 dimes at 4 boards.

Tanging si Afril Bernardino lang ang kuminang sa Pilipinas sa inilistang 17 points, 7 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks, lalarga ulit ang koponan ngayong Miyerkoles kontra Australia ganap na alas-12 ng hatinggabi. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.