Una sa Balita

Gilas vs Thailand naurong sa COVID-19

0 383

HINDI na matutuloy ang salpukan ng Gilas Pilipinas at Thailand sa February 20 sa ­unang window ng 2021 Fiba (International Basketball Fede­ration) Asia Cup qualifiers.

Ayon sa tweet ng nasabing world cage body nitong Biyer­nes, suspendido ang labanan ng mga Pilipino at Thai na gaganapin sana sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Kasama pa sa mga nasuspindeng laro ay ang sa Japan vs China sa Feb. 21, at China kontra Malaysia sa Feb. 24.

“Due to the current #coronavirus outbreak, @FIBA Asia has taken the decision to postpone the following #FIBAAsiaCup 2021 Qualifier games:

20 Feb: PHI vs THA
21 Feb: JPN vs CHN
24 Feb: CHN vs MAS

The new dates will be announced later!”

— FIBA Asia Cup (@FIBAAsiaCup) February 13, 2020

Hindi pa naman pinapabatid kung kailan matutuloy ang mga labang kinansela.
At wala pa ring anunsyo kung tuloy o iuurong na rin ang petsa ng pagtutuos ng ng Gilas kontra Indonesia sa Feb. 23 sa BritAma Arena sa Jakarta.

Nasa kasagsagang paghahan­da na ang Pinoy quintet na pan­samantalang titimunan ni inte­rim coach Mark Dickel.

Nabuo sa pool na pagkukunan ng team sina Kiefer Isaac Ravena, Christian Jaymare Perez, Jeth Troy Montero, Roger Ray Pogoy, Matthew Wright, Jean Marc Pingris, Justin Chua, Isaac Go, Matt at Mike Nieto, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, Thirdy Ravena, Kobe Paras, Juan at Javi Gomez de Liano, Jaydee Tungcab at Dwight Ramos. (Raymark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More