Una sa Balita

Gilas torture sa World Cup – netizen

0 431

NAGPAPATULOY ang kabiguan ng Gilas Pilipinas, pinaluhod din ng Tunisia, 86-67, Biyernes ng gabi sa classification game ng 2019 FIBA World Cup sa China.

Sa pinakahuling kabiguan, napagsarhan na ang Nationals sa outright berth para sa 2020 Tokyo Olympics.

Ang mga netizen, muli na namang pinagpiyestahan ang anila’y tortue na inaabot ng Philippine squad sa World Cup.

“Parang nanuod kame ng torture sa fiba to be honest,” kantiyaw ni Twitter user @RalphRyn.

Si netizen @geloDM1, sinabing walang karapatan ang Gilas na gumamit ng salitang ‘PUSO’, “d kayo bagay gumamit ng battle cry na puso.”

Ang isa naman, sinabing magpatalo na rin sa Iran ngayong araw para malinis na 0-5 an Pilipinas pag-uwi sa bansa. “Make it 5 in a row so that they can go home now,” pang-aalaska ni @estebatians.

Meron namang isa na kumampi sa Gilas, particular kay coach Yeng Guiao.

“You guys need to stop bashing coach Teng Guiao and the rest Gilas players. They did their best naman eh. Kung panalo naman mga #ProudPinoy “kuno”. We win as one, we lose as one,” depensa ni @jess_bernas. (Aivan U. Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More