Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gilas reresbak sa Tall Blacks

0 221

Laro Ngayon: (Araneta Coliseum)

7:00pm — Gilas Pilipinas vs New Zealand

BALAK sundutan ng Gilas Pilipinas ang 88-64 panalo kamakalawa ng gabi laban sa India sa muling pagtapak sa hardcourt laban sa New Zealand sa pagpapatuloy ng Asian Qualifiers para sa 2023 FIBA World Cup.

Namuno si Dwight Ramos sa atake ng mga Pinoy sa pagkamada ng 17 puntos, 4 rebounds, 3 assists at 1 steal habang nagdagdag si Kiefer Ravena ng 15 puntos, 1 rebound, 2 assists at 1 steal para sa panalo ng Gilas Pilipinas.

Muling sasandal si Gilas head coach Vincent “Chot” Reyes kina Ramos at Ravena, maging kina Angelo Koumae, Robert Bolick at Roger Pogoy sa 7pm tussle nila kontra Tall Blacks ng New Zealand sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi nakakalimutan ni Chot ang una at pinakahuling pakikipagkita nito sa Tall Blacks na nagtulak sa pambansang koponan na tuluyang mapatalik sa labanan para sa silya sa 2016 Rio De Janeiro Olympics.

Sasariwain ni Reyes at bumubuo sa bagong Gilas Pilipinas ganap ang masaklap na kabiguan sa kamay ng mga Tall Blacks sa ikalawa lamang nitong pagsagupa sa New Zealand sa internasyonal na torneo.

“The challenge is really big, dahil matagal nang magkakasama ang mga Tall Blacks. Nakalaban pa namin noon ang magkapatid na Websters and they are still in the team with the other guys duing the Olympic qualifying,” sabi ni Reyes.

Unang nagharap ang Gilas at Tall Blacks noong 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena kung saan nakapagdikdikan ang Piinoy kontra sa Kiwis bago nalasap ang 80-89 pagkabigo.

Ang magkapatid na Tai at Corey Webster ang nagpahirap sa pagtipon ng pinagsamang 48 puntos upang burahin ang pag-asa ng Pilipinas na makabalik sa Olympics. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.