Una sa Balita

Gilas pool ni Cone walang tapon

0 475

LOADED ng star power ang Gilas Pilipinas pool ni coach Tim Cone para sa 2019 Southeast Asian Games.

Walang tapon, lahat nang numerong tawagin ay puwedeng mag-deliver.

Pero pool pa lang, 15 sila.

Isang buwan pa bago malaman ang final 12. Sa December ang siklab ng men’s basketball competitions ng SEAG.

Kinuha ni Cone ang anim na players niya sa Ginebra – Japeth Aguilar, Art dela Cruz, Stanley Pringle, Greg Slaughter, LA Tenorio at Scottie Thompson.

Ang katwiran ay kabisado na ng mga ito ang sistema ni Cone. Ito rin ang dahilan kaya kinuhang assistant si Joe Devance, matagal nang alaga ng two-time grand slam coach sapul pa noong panahon nila sa Alaska.

Palaban din ang mga galing San Miguel – June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Chris Ross. Si Christian Standhardinger na pinamigay ng SMB sa NorthPort.

Maangas ang TNT players – Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario.

At de-kalibre sina Vic Manuel ng Alaska at Matthew Wright ng Phoenix.

May tatlong malalaglag.

Sino-sino? Kay Cone ang huling desisyon, pero wala pa siyang binibigay na hint.

Maraming nagsasabi na overkill ang all-PBA squad. Kayang-kaya nga daw ng Pilipinas na pagharian ang SEAG kahit amateurs o collegiate players ang paglaruin.

Pero dati ‘yun.

Iba na ang landscape ng basketball sa Asia, sa Southeast Asia. May naturalized players na rin ang ibang bansa.

At pagkatapos ng nakakadismayang finish – dead-last sa 32 teams – sa 2019 FIBA World Cup, kailangang ipagdiinan ng Pilipinas ang dominasyon sa laro sa rehiyon.

Sino-sino ang tatlong maiiwan?

Si Cone lang ang nakakaalam. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy