Una sa Balita

Gilas planong panuorin: Duterte bibisita sa China

0 283

MULING pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa ikalimang pagkakataon.

Sa report ng Inquirer, kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang muling pagpunta ni Duterte sa nasabing bansa.

Paliwanag ng spokesperson, magkakaroon ang Pangulo ng bilateral meeting kay Chinese President Xi Jinping, kasama sa mga pag-uusapan ang isyu ukol sa West Philippine Sea dispute.

Saad pa ni Panelo, maari ring matalakay ang tungkol sa diplomatic protest na hinain ng Pilipinas ukol din sa WPS.

Dati nang kinumpirma ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na dadalaw si Duterte sa Asian powerhouse sa katapusan ng Agosto, isa sa mga plano ay mapanood ang Gilas Pilipinas sa 18th Fiba World Cup 2019 na gaganapin sa China.

“He also plans to watch the Fiba World. It’s a rare opportunity for the President to watch,” ayon kay Go.

Agosto 31 hanggang Setyembre 15 gaganapin ang Fiba World Cup, sabak ang Gilas sa opening day kontra Italy sa Foshan. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy