Una sa Balita

Gilas Pilipinas Women’s U18

0 299

Basketball ang sinasabing pambansang laro ng Pilipinas. Bukod sa 5×5, patok rin ngayon ang larong 3×3 basketball o tatluhan saanmang sulok ng bansa.

Bakit nga?

Ang sport na 3×3 ay magiging ganap nang medal sports pagdating sa 2020 Tokyo Summer Olympic Games.

Nakakabilib ang Gilas Pilipinas Women’s 3×3 Basketball team ng bansa na kakagaling lang mula sa historic 8th place finish sa FIBA 3×3 Asia Cup sa Changsha, China.

Hindi pa man nagtatagal buhat nang bumalik sa bansa, apat na Under-18 lady ballers naman ang tutugon sa hamon ng FIBA 3×3 Under-18 World Cup na kinabibilangan nina Fil-Italian Angel Surada, Karl Ann Pingol, Canada-based Camille Clarin at Ella Fajardo na pinanganak at lumaki naman sa New Jersey.

Sumilip ako minsan sa training ng 3×3 team, tatlo sa kanila ang may taas na 5’9” na sina Clarin, Pingol at Surada habang small but terrible na shooter naman si Fajardo.

Ganda ng line up! Kudos to Coach Patrick Aquino at Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP.

Iba rin ang diskarte at galaw ng apat na youth lady hoopster na nakatapat ang ilang mainstays ng National squad na sina Jack Danielle Animam at Ria Nabalan.

Nalagay man sa mapanganib na grupo sa Pool C ang Pilipinas kasama ang Czech Republic, France, Netherlands at host Mongolia, swak pa rin ang torneo para makakuha ang youth cagebelles ng magandang exposure at experience mula sa higher-rated teams sa international 3×3 game.

Kung si David nga nagawang talunin ang higanteng si Goliath, wala ring imposible para sa Under-18 team natin!

Hiling ko ang tagum­pay ng mga young pla­yers na ito at sa growth din ng Women’s Basketball program sa bansa.

Good luck ladies!

***

Sa may mga suhestiyon para maging future topic natin, maaari ninyo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com. Pwde ninyo rin akong i-follow sa twitter: @ariannemallare o instagram: sagittarianne.

Huwag ninyo rin pong kalimutang sundan ang ating official @AbanteNews page para laging maging updated sa napapanahong balita sa loob at labas ng bansa.

Hanggang sa susunod nating isyu, ingat po kayo! Salamat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy