Una sa Balita

Gilas Pilipinas nasa alanganing sitwasyon

By
0 822

Laking disgrasya ang nangyari sa Gilas Pilipinas nang matalo sa Kazakhstan 88-92 Biyernes ng gabi sa MOA.

Dahil sa pagkatalo, lalong nalagay sa dati nang maselang kalagayan ang hangad ng Pilipinas na mag-qualify sa FIBA World Cup.

Nahulog ang ating National Team sa joint 3rd place kasama ang Japan 5-4 sa Group F play matapos na talunin ng mga Japanese ang Qatar 85-47 sa Tokyo araw din ng Biyernes.

Bago pa ang laban sa mga Kazakhs, nasa must win situation na ang Pilipinas. Kailangan na nitong maipanalo ang nalalabing apat na laban para mag-qualify sa FIBA Asia Pacific World Cup Qualifiers. Kaso talo sa Kazakhstan na dinurog ng Gilas sa Asian Games.

Pitong bansa lamang sa orihinal na 16 ang uusad sa 32–nation WC sa China sa susunod na taon.

Ang masaklap pa nito, Iran ang susunod na assignment ng Gilas bukas (Lunes) sa MOA.

Kontra Iran, sobrang baba ng porsiyento na mananalo dahil halos dekada na yatang hindi nanalo ang Pilipinas.
Kung nadale at tinalo sana ang Kazahkstan, tatabla tayo sa Iran sa second place na yumukod sa Group F leader Australia 47-76.

Sa Group F na kinabibilangan ng Gilas, tanging ang Australia pa lamang ang siguradong pasok na may 8-1 record, sumunod ang Iran, 6-3, Pilipinas at Japan parehong 5-4, Kazakhstan 4-5 at Qatar 2-7.

Matapos ang laban sa Iran bukas, lilipad ang Gilas para sixth window kontra sa Qatar sa Feb. 21 at kontra Kazakhstan sa Feb. 24.

Sa sitwasyon na kinakaharap ngayon ni national coach Yeng Guiao, wala na siyang karapatang matalo o sumablay dahil ibig sabihin nito ay goodbye World Cup na.

Ang tatlong mangungunang koponan sa second round ang awtomatikong papasok sa 2019 World Cup at ang huling ticket ay mapupunta sa pinaka-best 4th seed team.

Sa ngayon ang mga bansang nasibak na sa Asia/Pacific zone ay ang Hongkong, Chinese-Taipei, India at Iraq.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy