Una sa Balita

Gilas Pilipinas: Bawal matalo!

By
0 586

PAGPUGAY sa bagong coach ng Gilas na si Coach Yeng Guiao. Panibagong simulain para sa lahat ng manlalaro ng Gilas ito.

Bagong sistema, ibang klaseng istilo na mga manlalaro ang pipiliin ni coach Yeng at ang sigurado, palaban.

Magkakaroon ng malaking pagbabago sa grupo ni MVP kapag nilagay si coach Yeng sa Gilas. May maaapektuhan sa mga team pagdating sa head coaching job. Kung hindi sa NLEX o Talk ‘N Text. Ma­tinding balasahan ito kapag nagkataon.

Kailangan talaga ng full time commitment ka ‘pag ikaw ay naatasang humawak ng isang national team. Meron tayong kasabihan na kapag Gilas Pilipinas ‘bawal matalo’.

Sa tindi ng suporta o logistics, tapos buong bansa ang nakatutok, walang rason o dahilan ang tatanggapin ng Pinoy kapag talo.

***

Kababalik lang din kahapon ng PBA LEGENDS galing sa Compostela Valley. Nakasama nila ang mga dating PBA player na sila Jomar Rubi, Bong Marata, Dindo Pastor at dating PNP Director Nic Bartolome.

Ngayong araw, Setyembre 5, may laro ang PBA LEGENDS sa Surigao kaya aba­ngan ang inyong mga paboritong manlalaro tulad ng inyong abang lingkod, Triggerman Caidic, Flash Bal David, Thriller Miller, Vince ‘The Prince’ Hizon, EJ Feihl, Gerry ‘Mr. COOL’ Esplana and Nelson ‘The Bull’ Asaytono.

Isang linggong ­fiesta ito, at sa Sept. 15 ay fiesta naman sa Siargao.

***
Sa mga mahilig sa mobile app games paki-download ang laro na Barangay 143 maganda ito at marami ang sumusubaybay sa istorya nito.

***
Isang pagbati kay Maryamm Aldossary ng Dammam, Saudi Arabia at sa napaka-charming niyang kapatid na si Gemma. Sila ay tubong Malolos, Bulacan.

Happy trip Mar­yamm.

***

Our deepest sympathies to Cueto Family. Kasama ko si Jerome Cueto nu’ng amateur days mga panahon ng PABL tournament. Isa siya sa mga high flyer ng liga.