Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gilas Pilipinas abangers kay Kai

0 149

NANANATILING bukas ang pinto ng Gilas Pilipinas para kay 7-foot-3 Filipino basketball star Kai Sotto para sa FIBA Asia Cup qualifier sa Indonesia sa susunod na buwan, kasunod ng hindi pagkakakuha dito sa nagdaang 2022 NBA Rookie Draft.

Sinabi ni Reyes na inalok nila si Sotto na maglaro na lamang sa Gilas kung hindi ito lalaro sa Summer League, subalit nananatiling wala pang tugon ang kampo ng dating Adelaide 36ers center mula sa National Basketball League sa Australia.

Sa kabila nito, hindi pa tiyak kung makakasali sa Gilas si Sotto sa July 12-24 event dahil hinihintay pa ang desisyon ng kampo nito kung maglalaro sa Summer League o kung mayroon itong ibang plano.

Nakadalo si Sotto sa walong magkakahiwalay na individual/group workout sa New York Knicks, Orlando, Cleveland, Chicago, Atlanta, Sacramento, Los Angeles Clippers at Indiana Pacers, subalit hindi nito nakumpleto ang target na 12 koponan dahil sa ankle injury, na ayon sa ilang report ay naging malaking epekto sa hindi pagpili sa kanya ng anumang NBA team.

Nagsimula ang pangarap ni Sotto nang mapabilang sa Ignite sa ilalim ni dating Pacers assistant coach Brian Shaw kasama ang mga kakamping sina Filipino-American Jalen Green ng Houston Rockets at Jonathan Kuminga ng Golden State Warriors na pumasok sa 2021 NBA draft.

Ipinagpatuloy nito ang paglalaro sa Adelaide 36ers kung saan nakakuha siya ng sapat na karanasan at kaalaman laban sa professional league sa labas ng Pilipinas. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.