Una sa Balita

Gilas ni MVP nilipasan na ng panahon

LAOS!

By
0 908

PARA kay Asi Taulava, napaglipasan na ng panahon ang Gilas Pilipinas. Sa panibagong pahina ng Philippine basketball, panahon na raw para ibahin ang pangalan – at imahe – ng National team.

Nagsalita ang eldest member ng 16-man pool ni Guaio, si Taulava na nagsilbi sa National team sa nakalipas na 16 years.

Sa susunod na window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, dadayuhin ng Pilipinas ang Iran sa Setyembre 13, bago i-host ang Qatar sa Set­yembre 17 sa Smart Araneta Coliseum.

“I wanna correct that. Gilas, that’s in the past,” ani Asi, 45, pagkatapos ng praktis ng team Huwebes ng gabi sa Meralco gym. “This is coach Yeng’s (Guiao) time.”

Yeng time o Guiao time, kailangan ng pagbabago.

Nangibabaw sa mapa ng basketball sa buong mundo ang Pilipinas noong Hulyo nang masangkot sa gulo matapos i-host ang Australia sa second window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena.

Bagong bihis, bagong mga mukha ang binuo ni Guiao na isinabak sa 2018 Asian Games. Tumapos na panlima ang Filipinos, kasama si Asi.

Ngayon, inimbitahan muli siya ni Guiao para sumama sa pool ng FIBA qualifiers.

“It’s time to change the image of Philippine basketball,” dagdag ng 20-year PBA veteran.
Papalitan ang imahe, kaila­ngan palitan din ang moniker.

“Under coach Yeng’s time, we want to be known as Team Pilipinas,” giit ni Asi. “We want to go away with those moniker names and something like that.”

Wala nang Gilas na nagsilbing mukha ng nakaraang Philippine team?

Para kay Asi at sa bagong National team, si Guiao ang dahilan kaya sila nagsama-sama. Sa tatlong araw ng praktis, laging kompleto.

“Everybody that came into this group, it’s because coach Yeng asked,” pahabol ni Asi. “We want to help him and do whatever we can do to qualify for the next round.” ()