Una sa Balita

Gilas ni Dickel ‘di babalasahin

0 350

POSIBLENG ang komposis­yon ng Gilas Pilipinas na naglaro kontra Indonesia rin ang gagamitin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kapag natuloy na ang na-postpone na match kontra Thailand.

Iho-host sana ng mga Filipino ang Thai sa Smart Araneta Coliseum noong Feb. 20 sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup pero kinansela ng world governing body dahil sa outbreak ng COVID-19.

Itinuloy ang laro sa Jakarta noong Linggo, kinuba­bawan ng Pilipinas ang Indonesia 100-70.

Hindi pa nagbibigay ng abiso ang FIBA kung kailan itutuloy ang Thailand game.

Malamang na si Mark Dickel pa rin ang humawak sa Gilas kontra Thai. Ninombrahan ng SBP si Dickel bilang interim coach ng national team.

Sa first window ng Asia Cup qualifiers, pitong PBA player at limang amateur ang bumuo sa squad.

Kabilang rito sina skipper Kiefer Ravena, Poy Erram, Troy Rosario, RR Pogoy, CJ Perez, Abu Tratter at Justin Chua mula sa pro, at sina Thirdy Ravena, Isaac Go, Matt Nieto, Juan Gomez De Liano at Dwight Ramos.

Posibleng ito na rin ang lineup kontra Thai. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More