Una sa Balita

Gilas men’s 3×3 tigasin sa Day 1

0 382

KINUMPLETO ng Gilas Pilipinas men’s ang sweep sa unang tatlong laro ng 2019 SEA Games 3×3 competitions sa The Arena sa San Juan kahapon.

Unang naligtasan ng Filipinos ang makulit na Indonesians 21-17 sa first game, sunod na dinemolis ang Myanmar 21-10 bago dinungisan ang Vietnam 21-15.

Tinapos ng Gilas ang Day 1 sa bisa ng isa pang 21-10 dominasyon sa Thailand.

Si Jason Perkins ang walang kapagurang nanguna sa atake ng Filipinos, kasama sina Mo Tautuaa, CJ Perez at Chris Newsome ay nam-bully para kumpletuhin ang sweep sa opening day.

Naka-3 points lang si Tautuaa kontra Vietnam pero ang game-winning 2-pointer niya ang nagselyo sa panalo.

Tops ang 10 points ni Perkins laban sa Myanmar, at ang 9 niya laban sa Indonesia. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More