Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gilas matikas kina Sotto, Edu

0 349

IPINAKITA nina Gilas Pilipinas Youth member Kai Sotto at AJ Edu ang posibleng maging kalidad ng bubuuing pambansang koponan sa ginanap na laro kontra sa mga propesyonal na player matapos magsalitan ng pag-dunk ng bola sa isang yugto ng laban.

Napanood sa post ng Hoopjunkie sa Instagram una munang nagawa ni Sotto na isalpak ang bola sa harap ng dalawang kalaban bago nito naagaw ang bola sa inbound.

Ipinasa ni Sotto ang bola kay Edu bago binawi para iset-up ang dalawang bantay saka nito isinagawa ang behind the back pass sa nakalibre na si Edu na agad na idinakdad ang bola.

“Twin Tower Connection! I can’t wait for @ajedu15 to play with Kai Sotto and Sage Tolentino!,” komento ng isang netizen sa naturang post.

Sina Sotto at Edu ay dalawa lamang sa sinasabing future ng Gilas Pilipinas. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.