Una sa Balita

GILAS MAMUMUHUNAN SA QUARTERS

By
0 6

Laro ngayon (Chenzhou Sports Center)

9:45 p.m. — CTG Pilipinas vs. Petrochimi Iran

Kahit abante na sa quarterfinals, matikas na isasara ng Chooks To Go Pilipinas ang huling asignatura ngayon sa 26th FIBA Asia Champions Cup 2017 preliminary round sa Chenzhou Sports Center sa Chenzhou City, Hunan Province, China.

Win-loss-win ang PHL squad sa Ball Club Astana Kazakhstan (73-65), Sereyyeth Ramallah Palestine (82-89) at Mono Vampire Ball Club Thailand (115-102).

Magandang puhunan sa quarters kapag nalaktawan mamayang gabi ang Petrochimi Iran. 1-1 ang Iranians at kalaro pa kagabi ang Thais (1-1).

Pipigain ulit ni coach Chot Reyes sina Carl Br­yan Cruz, Isaiah Austin, Kiefer Ravena at Jeron Teng.

Kontra Thais, bumutas si Cruz ng team-high 28 points sa 10-of-13 shooting, tampok ang walong 3-pointers  sa 31:41 play.

Ang prospect gawing naturalized player na si import Austin ay humabi ng halimaw na 28 points, 19 rebounds, four blocks.

Si Ravena, top scorer ng PHL squad sa average na 23 points sa first two games, ay naka-24 points at seven assists, may 17 si Teng.