Una sa Balita

Gilas kulang sa intensity

0 435

SA pangalawang pagkakataon nitong Agosto 30 ay napasyalan ko nitong nakaraang linggo sa Davao City ang masasabi mong ‘the last frontier’ sa Shrine Hills kung saan matatagpuan ang Holy Infant Jesus of Pague.

Ito ay humigit-kumulang sa mga 10 hectare na lupain na napapaligiran ng mga exclusive subdivision tulad ng Terraza, Jacks Ridge atbp.

Ito ay mararating kung galing ka sa Diversion Road o ‘di kaya sa may GSIS Village. Ito ay nasa pinakamataas na lugar ng siyudad na kung saan mo makikita ang Davao Gulf at Davao City.

Destinasyon ang lugar na ito lalo na kapag Mahal na Araw. Madami ang deboto dito na dumadayo dahil ang Holy Infant Jesus ay nakakapag-pagaling ng maysakit at kapansanan. Sa dakong kaliwa naman may chapel, si Sto. Niño, na napaka-popular sa mga Cebuano.

Marami ka ring makikita na pagkatataas na mga tower stations ng radio at TV tulad ng ABS-CBN, TV5 at GMA sa lugar.

Sa almusal, inihain sa aming grupo ang durian, mangosteen, lansones at suha. Kasasarap mga kababayan. Pasyalan ninyo ang lugar ng Davao City.

Sa pananghalian naman kami ay pumunta sa Marina Tuna kung saan kami ay kumain ng blue fin tuna na kung tawagin ay toro, tapos meron pang garlic crabs, kinilaw at lapu-lapu na galing China.

Sumunod na araw, nag-almusal kami sa Bramble sa downtown Legaspi St. na kung saan mo makikita ang Bondi at Burke Hotel and Restaurant.

Ito ay dating ancestral house na ni-renovate at inayos. Sikat sa mga bagets o millenials ang nasabing lugar dahil sa mga all day breakfast meals nila, smoothies at desserts.

***

Nakakadalawang talo na ang Gilas Pilipinas kontra Italy at Serbia na parehong halos 50 pts. ang tambak sa atin.

Ang malungkot nito ay tila walang apoy o galit na makikita ka sa laban natin. Alam naman ng buong Pilipinas na mabigat ang laban sa China at ang mga seven-footer sa international tournament ay hindi na bago ‘yan.

Wala man lang puma-foul o kaya humaharang kapag may duma-drive sa kalaban. Ang depensa ng koponan natin ay parang istilo lang din na ginagawa nila sa PBA. ‘Yan ang kapuna-puna sa mga pahayag ng ating mga milyon-milyong kababayan na nakasaksi ng dalawang laro natin.

Maiksi ang pasensya ng manlalaro natin pagdating sa sistema, hindi tayo pwede sa mga mahabang pasahan na tulad ng ibang bansa at mabagal tayo sa takbuhan.

Ang positibo lang sa nakita natin ay hindi nagkamali si Coach Yeng Guiao sa pagpili sa mga batang player na CJ Perezat Robert Bolick na lumalaban hanggang dulo.

Maliban sa laro, napansin ng ating mga fan na mas marami pa ang ang miron ng Gilas Pilipinas na nasa bench na nakaupo at tila yata nakakagulo pa kay Coach Yeng.

Imbes na sabihan ang mga player mag-focus sa laro ay tila nakikidagdag pa ng angal at galit sa mga referee. Hay naku!

Magsilbing aral sana itong mga past experience natin as a team. Dahil hindi pa huli ang lahat.

Tatlong bagay ang kailangan natin dito. Ito ay ang height, consistent shooters (perimeter at 3pts), consistent rebounders at good solid defenders.

Antabayanan natin sa huling laro sa Angola baka masungkit na natin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy