Una sa Balita

Gilas itsi-cheer ni Digong

0 248

LIVE na manonood si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang laban ng Gilas Pilipinas para suportahan ang koponan na lalahok sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Para sa opening round, makakaharap ng Gilas ang bansang Italy sa Agosto 31 na susundan ng bansang Serbia sa Setyembre 2 at Angola sa Setyembre 4.

Bagama’t dati nang pinunto ni Pang. Duterte na malabong makaporma ang national team kontra Italy, na unang makakatapat ng bansa, nais pa rin nitong i-cheer ng personal ang koponan, ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Meynardo Montealegre.

Ipinahayag rin ni Pang. Duterte na mas kayang pataobin ng Gilas ang bansang Angola.

Makakasama ni Pangulong Duterte sa panonood ng laban ng Gilas kontra Italy si Chinese Vice President Wang Qishan.

(Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy