Una sa Balita

Gilas hari’t reyna ng 3×3

0 334

NAGTALA ng kasaysayan ang ­Gilas Pilipinas matapos ­walisin ang dalawang nakatayang ­gintong medalya sa event na 3X3 sa pagwawagi ng men’s squad kontra Indonesia, 21-9, habang tinalo ng women’s team ang matatangkad na Thailand, 17-13, sa ika-30 Southeast Asian Games sa FilOil Flying V Arena sa City of San Juan.

Ipinakita ng Gilas Pilipinas men ang dominasyon sa unang pagsasagawa ng torneo habang kinailangan naman ng women’s squad na masubok ang ­katatagan upang dagdagan ng dalawang gintong medalya ang kahon ng host na Pilipinas sa sports na basketball.

Nagpasiklab sina Moala ­Tautuaa, Chris Newsome, ­Jason Perkins at CJ Perez para sa ­Pilipinas habang sumandig ang kababaihan kay Afril Bernardino upang angkinin ang ­kasaysayan bilang unang kampeon ng ­torneo sa kada dalawang taong ­multi-sports na torneo.

Agad na nag-init ang ­Gilas men sa pagsisimula ng ­kampeonato sa pagbuhos ng 8-0 atake tungo na sa pagposte ng 13-5 abante sa ikaanim na ­mintuo ng laro.

Tinapos ni Moala Tautuaa sa pagpasok ng gold clinching two points ang labanan kahit may natitra pang 3:14 minuto sa laro.

Kiinailangan din ng Gilas women ang matinding ­pag-atake kontra Thailand matapos na maging mahigpitan ang ­labanan na huling nagtabla sa 5-all bago ang paghulog ng host na ­Pilipinas ng 10-1 bomba para sa 16-6 iskor.

Nagtala si Bernardino ng 11 puntos habang si Jack Danielle Animam ay may tatlong puntos, dalawa kay Janine Pontejos at isa kay Clare Castro.

“May isa pa,” hiyawan ng mga Gilas Women, na ­tinutukoy ang ikalawang ­misyon na ­magawang ­magkampeon sa ­susunod na ­labanan sa ­basketball ­matapos na ­kumpletuhin ang isang ­misyon nito sa 3X3. (Lito ­Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy