Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gilas Girls 3rd sa FIBA U16

0 113

NASUNGKIT ng Gilas Pilipinas Gilrs ang ikatlong pweston sa 2022 FIBA Asia U16 Women’s Championship Division B sa pagbigo sa Lebanon sa huling araw ng kompetisyon, 90-68, sa Prince Hamza Sporting Hall sa Amman, Jordan.

Inilabas ng Gilas Girls ang kinikimkim na pagkadismaya sa nakatapat na Lebanon upang makamit ang pinakamataas na lamang na pwesto nitong naabot matapos mabigong makaangat sa mas mataas na dibisyon at manalti lamang sa Division B.

Bahagyang nabawi ng panalo ang nakakasakit na pagkatalo laban sa Samoa sa semifinals.

Nagtulong sina Kristan Geyl Yumul at Gabriella Ramos, na parehong may 20 puntos, upang bigyan ang Pilipinas ng tamang bounce back na panalo. (Lito Oredo) 

Leave A Reply

Your email address will not be published.