Una sa Balita

Gilas fans ‘wa epek’ sa Boomers

By
0 1,807

Kahit ang maingay na mga Gilas supporter na dumagsa sa Margaret Court Arena sa Melbourne, hindi naisalba ang Filipinos laban sa dinayong Australia, 84-68, sa umpisa ng window 2 ng 2019 FIBA Cup Asian Qualifiers.

Huwebes ng gabi, mula opening tipoff ay sumasabay na ang Filipino fans sa kantiyawan, hindi nagpatalo sa home crowd.

Si Boomers coach Andrej Lemanis, natuwa sa pagresponde ng mga bataan sa pro-Gilas crowd.

“I thought that was one of the most plea­sing things,” wika ni Lemanis. “With all that chaos going on, the Philippines up a little bit, and the crowd getting behind it, we did a good job of not panicking and played Boomers basketball.”

Nadagdagan ang kumpiyansa ng Filipinos, nagawa pang lumamang, 30-25, sa tulong ng malamig na shooting ng Boomers sa first half.

Pero hanggang doon na lang ang kinaya ng Gilas, nang magkasa ng 12-2 run ang Australians para agawin ang lead, 37-32, papasok sa break at hindi na lu­mingon.

Sa unang kalahati ng third quarter, unti-un­ting lumabas ang pagod ng Filipinos at naiwan. Wala nang naisagot ang hukbo ni coach Chot Reyes nang pangunahan nina Cameron Gliddon at Mitchell Creek ang 26-1 spurt ng Australians mula dulo ng third patawid ng fourth para pabukahin ang lamang.

Ang Gilas supporters, parang napagod na rin at namaos, tulad ng tsini-cheer nilang mga kababayan na hindi na makahabol.

Si naturalized ­Andray Blatche, isang linggo bago ang laro ay nagsabing mas kondisyon siya ngayon kum­para noong window 1. Pero sa third, laylay na ang dila, hindi makatakbo o makatalon.

Tumapos si Blatche ng eight points sa 3-of-11 shooting. Pinangunahan ng 15 points ni June Mar Fajardo ang Gilas. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy