Una sa Balita

Gilas dedikado, ayos ang ensayo – Guiao

0 299

PAGKARAAN ng dalawang beses na ensayo sa loob ng 12-oras, pinagpahinga ni coach Yeng Guiao ang Gilas Pilipinas.

Biyernes ng gabi at Sabado ng hapon nagpapawis ang Nationals, Linggo ay off naman nila.

Balik sa court ang Gilas ngayong araw ng Lunes, inaasahang makukumpleto na sa pagdating nina June Mar Fajardo, RR Pogoy at Troy Rosario.

Kuntento si Guiao sa nakikita niyang dedikasyon ng mga player at sa takbo ng ensayo, pero kailangan pang maghasa nang husto.

Walang dalawang linggo ay dadayo na ng China ang Gilas Pilipinas para sa 18th FIBA World Cup sa Aug. 31-Sept. 15.

“We were able to run our sets, our offense, our defense a little bit more smoothly,” balita ng coach.

Nakikita ni Guiao na mataas ang enerhiya ng team.

“To me, that’s a sign that they’re getting into better shape,” hirit niya.
Dibdiban ang ensayo pero ‘di sumusuko ang squad.

“They’re also having fun, enjoying practice which is also a very good sign for the team,” panapos ng coach.

(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy