Una sa Balita

Gil, Kiko agawan kay Julie Anne

By
0 3,169

Confirmed na ngang isang romcom series ang bagong project ni Julie Anne San Jose sa Kapuso Network, ang My Guitar Princess. Malapit na raw simulan ang shoot ng nasabing proyekto.

At hindi lang isa kundi dalawang Kapuso heartthrobs ang makakapareha ni Julie Anne — sina Gil Cuerva at Kiko Estrada. Sunod nating aabangan ay kung kanino magkakaroon ng mas magandang on-screen chemistry si Julie Anne, kay Gil kaya o kay Kiko?

And siguradong marami rin ang gustong makaalam kung nagpaalam ba si Julie Anne kay Benjamin Alves bago niya tinanggap ang project na ito. Hindi namin kalilimutang itanong ito kay Julie next time na makita namin siya.

Bugbugan nina Megan, Katrina nauwi sa harutan

Kita sa behind-the-scenes ng The Stepdaughters na nauwi sa lokohan at harutan ang eksena kung saan naghampasan ng ice cream at nagsabuyan ng harina sina Katrina Halili at Megan Young.

Ang eksenang dapat na seryoso, hindi nila napigilang gawing katatawanan dahil na rin sa ilang staff na naki-join sa harutan nila. May dahilan din sila para isagad ang katuwaan dahil pinataob ng The Stepdaughters ang katapat nitong programa sa ratings!

Lamang ang buong pangalawang linggo sa palabas ng kabilang network kaya dapat lang na mag-celebrate ang cast at crew.

Miguel proud sa pagpapaiyak kay Bianca

Malala ‘yung gagawin ko, medyo madugo!” ang pasabog na sagot ni Miguel Tanfelix nang tanungin siya sa hinahanda niya para sa birthday ng on-screen partner na si Bianca Umali.

Dapat daw abangan ang surprise niya para kay Bianca dahil last year pa niya pinlano at sinimulan ang paghahanda para rito. Ayaw rin niyang magbigay ng clue dahil mabilis daw makatunog ang kanyang ka-loveteam.

Proud siya na nagawa niyang paiyakin si Bianca noong isang birthday surprise niya sa dalaga kaya dapat ay mahigitan niya ang regalo niya ngayong taon.

Samantala, may isa pang pasabog si Miguel dahil meron pa raw na mamamatay sa serye nilang Kambal, Karibal at pwedeng maging multo rin. Sino kaya ito?

Ruru mahusay mambitin

Excited na kaming makilala kung sino ang gaganap na ama ni Ruru Madrid sa serye niyang Sherlock Jr. Enjoy si Ruru sa nagiging takbo ng kwento dahil bukod sa nagagawa niya ang matagal na inaasam na action scenes, gusto niyang binibitin at may pinahuhulaan sa viewers.

Sa isang interview, ibinunyag niyang may chance na ipakita kung sino si Sherlock Sr. na isang Briton. May pagkakataon kayang isa itong British actor? Wow, bongga!