Una sa Balita

Gil Cuerva, Paul Salas pinatakam ang mga beki

0 755

Nagulat ang mga netizen sa biglang paglabas ng mga sexy photo nina Paul Salas at Gil Cuerva para sa isang kilalang underwear brand.

Shookt ang mga follower ni Paul sa social media dahil tingin pa rin nila dito ay isang bata pa, pero sobrang daring na nga ng kanyang pose na ang suot lang ay brief.

Pinapaalala ng dating child actor na 21-years old na siya at puwede na siyang mag-endorse ng underwear.

Si Gil naman ay kilalang modelo bago nag-artista. Sanay na raw ito sa mga pictorial na shirtless siya, pero never pa raw niyang nagawang mag-endorse ng underwear brand.

Kaya first time siyang nakita sa isang photo na suot lang ay kulay blue na underwear. Naglaway ang maraming beki sa katawan ni Gil at agree sila sa tagline ng ­cooking show nito na “basta masarap… GO!!!” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More