Una sa Balita

Giit ni Romasanta, POC walang alam sa Phisgoc

0 234

IGINIIT ng Philippine Olympic Committee (POC) na wala itong kinalaman sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation, Inc., private body na mag-oorganisa dapat ng 30th SEA Games, na isinasai­lalim ngayon sa imbestigasyon dahil sa alegasyon ng korapsiyon at iregularidad.

Sinabi ni acting POC president Joey Romasanta na binuo ang Phisgoc Foundation nang walang approval ng POC exe­cutive board, na nagresulta sa pagbibitiw ng isa sa orihinal na walong incorporator na si Ricky Vargas bilang POC president.

Base sa Articles of Incorporation na ifinile sa Securities and Exchange Commission noong Hulyo 2018, ang Phisgoc Foundation ay binuo para organisahin ang biennial meet maging ang iba pang international games na iho-host ng Pilipinas sa mga darating na araw.

Mandato rin nito na tumanggap, mag-manage at mag-disburse ng pondo mula sa mga sponsorship, donation, grant at subsidy at gamitin ito sa pa­ngangailangan ng korporasyon.

Bukod kay Vargas, kabilang din sa mga incorporator sina former POC chairman Tom Carrasco, former POC secretary general Patrick Gregorio at former communications director Ed Picson maging ang mga sinasabing inner circle ni Phisgoc chairman Alan Peter Cayetano na sina Ramon Suzara, Monica Anne Mitra, Donaldo Caringal at Dexter Estacio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy