Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Giginhawa na ba tayo sa 2021?

0 443

Kung papaniwalaan natin ang mga naging pahayagni dating Secretary-General ng National Economic Development Authority (NEDA) na si Ernesto Perniasa isang sesyon ng Pilipinas Conference na ginanapilang araw na ang nakalilipas, hindi makakabawi ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon kay Pernia, ito ay sa dahilang lubhang mababaang ating ipunuhunan sa imprastrakturangpangkalusugan kagaya ng mga ospital at mgalaboratory at ng kapakanan ng mga nagtatrabaho sasektor na pangkalusugan. Matatandaang nabitiw sapwesto si Pernia nuong Abril sa kasagsagan ng pandemya dahil sa mga hindi pinagkakasunduan samga plano ng pamahalaan.

Nilinaw niya na ang kalusugan at ekonomiya ay magkatuwang at hindi maaring mamili kung alin sadalawa ang bibigyan ng pagpapahalaga. Dagdagniya na para sa indibidwal, sinasabi na ang angkalusugan ay kayamanan. Kaya, maari natingsabihin na ang kalusugan ng mga Pilipino ay katumbas ng ekonomiya. Kapag hindi maganda ang kalusugan ng mga tao, negatibo ang epekto nito sapagiging produktibo ng mga mamamayan. Sa kabilang banda rin, kapag masama naman ang ekonomiya, naapektuhan naman ang kalugusang ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang mgapinagkakakitaan.

Ayon sa kaniyang mga sinalaysay, naging atrasadoang mga aksyon ng pamahalaan para sa COVID-19 kung ihahambing sa ating mga karatig-bansa. Dapataniya, naging maagap ang pamahalaan sa pag-lockdown gayung hindi naman kalakasan ng kapasidad ng ating sistema ng kalusugangpanlipunan. Ito nga ang paulit-ulit na sinasabi ng marami, kasama na ng ilang mga Senador, nanaging kapalpakan ni Francisco Duque bilangKalihim ng Kalusugan. Siguro, kung naging maalamlang sana si Duque sa kanyang ginagawa o nagingmaagap, may mataas na pagkakataon na hindinaging ganito karami ang apektado ng sakit saPilipinas. Pero, hanggang ngayon, hindi napapalitansi Duque. Ayon sa presidente, hindi naman si Duque ang nagdala ng sakit sa Pilipinas.

Sa ngayon, ayon uli kay Pernia, ang Pilipinas ay may kalunos-lunos na reputasyon bilang may pinaka-mataas na bilang ng may COVID-19 kumpara sa populasyon dito sa bahagi natin ng Asya.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng pinaka-mahabang tuloy-tuloy na lockdown sa buongmundo. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay maituturingdin na pinakamabagal na makaahon. Nagingmababa ang paggastos ng pamahalaan sapagtugon sa pandemya. Sa madaling salita, hinditayo nakapagpunla ng tamas a larangan ng kalusugang panglipunan. Naghatag ng mgamungkahi si Pernia para makaahon ang atingekonomiya.

Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng mgatinatawag na partnership o pakikipagsosyo ng pamahalaan sa pribadong sektor para sa mgapangangailangan ng bansa kagaya ng mgaimprastraktura, maging pangkalusugan o sa ibanglarangan. Sa ganitong paraan, mapapagaan ang mga gastusin ng pamahalaan para magamit ang limitadong mapagkukunan sa ibang mga dapatintindihin. Ibig sabihin nito, hindi nakakabuti ang pagtingin ng presidente sa pribadong sektor bilangkaaway o sa tulong ng iba bilang kumpetensya.

Ang bansang US ay masama din ang kalagayankapag COVID-19 ang pinag-uusapan, nguni’t sila ay mayroon ng inaasahang posibleng kaginhawaan sanalalapit na kinabukasan. Tayo kaya dito?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.