Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gigil sa hate crime? Pinoy nanaksak ng 3 sa US

0 110

Arestado ang isang 34-anyos na Pilipino na ilang beses nanakit ng mga indibidwal sa Elmhurst, Queens sa New York.

Nakakulong na ngayon ang suspek na si Mark Albano at nahaharap sa kasong murder, attempted murder at assault.

Ayon sa Queens district attorney’s office, napatay ni Albano ang kanyang unang biktima noong Abril 23 sa subway train sa Grand Ave-nue-Newtown Station.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Leroy Williams, isang 57-taong gulang na palaboy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Natagpuan ng mga pulis ang bangkay sa nasabing istasyon na punong saksak sa dibdib.

Sumunod na umatake ang suspek alas-otso ng gabi nitong Mayo 7 kung kailan ilang ulit niyang sınaksak si
Yeshey Namgyal, ang 31-anyos na lalaki na nakasalubong niya sa isang kalsada sa Queens. Naging paralisado ang huli dahil sa tinamong mga saksak at malalalim na laslas mula kay Albano.

Pagkalipas ng ilang oras, sinaksak ng suspek sa kamay at kili-kili ang biktima na nakilalang si Christian Pineda sa hindi kalayuan sa pinang yarihan ng ikalawang insidente. Matapos nito ay agad tumakas ang Pinoy pero nasukol siya ng mga pulis hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung resbak ba ito ni Albano sa serye ng hate crime sa Asian American Community kung saan maraming Pinoy din ang nabiktima. (Dave Llavanes Jr.)

Leave A Reply

Your email address will not be published.