Una sa Balita

Gigil ni Guiao, ‘Pinas ibubuhos kontra Iran

By
0 603

DISMAYADO si coach Yeng Guiao sa naging resulta ng unang laro ng Team Pilipinas sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Biyernes ng gabi.

Biktima ng mala­king upset ang Natio­nals 92-88 sa dumayong Kazakhstan sa MOA Arena.

“Of course we’re disappointed,” wika ni Guiao pagkatapos ng pang-apat na talo ng mga Pilipino sa siyam na laro sa Group F.

Pero kailangang ipagpag ng Pilipinas ang setback, focus sa pagbawi sa susunod na laro kontra Iran sa parehong Pasay venue sa Lunes, Dec. 3.

Nagbuhol ang Pilipinas at Japan sa third place ng grupo, humihinga na sa kanilang batok ang Kazakhstan sa 4-5.
Top 3 mula Groups E at F ang aabante sa World Cup joust, kasama ang best-placed fourth sa dalawa.

“We still have game on Monday, and we can’t feel too negative about ourselves,” dagdag ng national coach. “We can still salvage the situation if we play a good game against Iran.”

Hindi na kinaila­ngang basagin ng Kazakhs ang depensa ng Filipinos, sa labas ng arc ay kumonekta ng 12 sa 23 bitaw ang mga dayo. Sa parehong distansiya ay 8 for 23 lang ang Pilipinas. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy