‘Gigil’ ni Bongbong, nakakatakot – VP Robredo

By

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na alam sa sarili ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi ito nadaya noong 2016 elections.

Pero mas nakakatakot umano ayon kay Robredo ang desire o kagustuhan na makabalik sa kapangyarihan ni Marcos kaya ipinipilit na nagkaroon ng dayaan kahit na malinaw sa resulta ng botohan na nilamangan niya ito ng mahigit 200,000 boto sa vice presidential race.

“‘Yung para sa akin nakakalungkot. Tapos na ‘yung eleksyon. Tingin ko alam niya naman na hindi siya nadaya. Tingin ko alam niya naman ‘yun. Pero ‘yung desire na makabalik sa kapangyarihan, ‘yun ‘yung nakakatakot,” ani Robredo sa isang interview sa University of the Philippines-Los Banos Laguna, (UPLB) kung saan dumalo ito sa “Academic Forum on Tsinelas Leadership”.

Samantala ikinuwento ni Robredo na nag-alinlangan itong tumakbo bilang Bise Presidente noong nakaraang eleksyon dahil alam niyang isa si Marcos sa kanyang makakalaban, subalit sumugal umano ito dahil ayaw niyang makabalik ang mga Marcos sa Malacañang.

“Actually one of the reasons kung bakit nakumbinsi akong tumakbo was also because of an impending Marcos return. Ito ‘yung matagal na pinaglaban, ‘eto ‘yung political awakening ko nu’ng ako ay college pa at ngayon nabibigyan tayo ng pagkakataon na harangan na makabalik,” wika ni Robredo.

SHARE