Una sa Balita

Gigi Hadid, Zayn Malik nagkabalikan

0 433

Nagkabalikan na ang dating magsyotang Gigi Hadid at Zayn Malik. Magkasama ang super­model at ang former One Direction member noong nakaraang Valentine’s Day.

Nag-break ang dalawa noong ­January 2019. Ayon sa source ng E! News, noong December 2019 pa raw nagkabalikan ang dalawa, pero hindi nila ito isinapubliko.

Last month, si Gigi pa ang nag-organize ng 27th birthday dinner for Zayn sa Il Buco in New York City. Present ang ina ni Gigi na si Yolanda Hadid, ang sister niyang si Bella at ang brother niyang si Anwar with girlfriend Dua Lipa.

Noong December ay nakasama naman ni Gigi ang mother ni Zayn habang nag­luluto sila ng chicken ­dinner.

Report ng E!: “She has always loved him, and the break between the two was needed. Zayn has been working on his past music and focusing on his health and is in a really good place currently.” (Ruel ­Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More