Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Giga’ bakuna center binuksan sa MOA

0 112

Bukas na sa publiko ang kauna-unahang giga vaccination facility sa Pilipinas nitong Biyernes, Mayo 7.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, na kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ng bagong pasilidad, ang nasabing vaccination center sa Mall of Asia ay kayang tumanggap ng 2,000 katao sa isang araw na inaasahang magpapabilis sa pagbabakuna ng gobyerno kontra COVID-19.

“Binuksan po natin ang kauna-unahang giga vaccination facility. Hindi lang po ito mega, ito po ay giga. Ibig sabihin, gigantic at ito ay kayang magbakuna ng 2,000 katao kada araw,” sabi ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.