Una sa Balita

Giannis, Tatum mga ‘adik’ sa Instagram

0 432

NAUUSO ang Instagram Live sessions ng NBA players habang nakatengga sa bahay, walang magawa dahil suspendido ang season bunga ng coronavirus disease.

At madals napupunta sa Q&A ang interaksiyon.

Katabi ni Bucks star Giannis Antetokounmpo ang girlfriend niyang si Mariah Riddlesprigger habang sumasagot sa mga tanong ng followers.

Sino ang favorite players ng reigning MVP?

Nabanggit ni Giannis sina Stephen Curry, Magic Johnson at Damian Lillard. Baka si Curry ang pinakapaborito niya, dahil dalawang beses pang binanggit ang pangalan ng Warriors star.

Nang dumayo ang Milwaukee sa Chase Center noong January para harapin ang Warriors, pagkatapos ng laro ay sinadya ni Curry si Antetokounmpo sa locker room at binigyan ang Bucks forward ng signed jersey.

Ang top 6 players all-time ni Giannis: LeBron James, Michael Jordan, Kobe Bryant, Magic Johnson, Shaquille O’Neal, Kareem Abdul-Jabbar.

Maliban kay MJ, puro Lakers na.

Sa Twitter, halos ganu’n din ang sagot ni Jayson Tatum ng Boston Celtics nang matanong kung sino ang top 5 players all-time.

Nilista ni Tatum sina Jordan, LeBron, Kobe, Magic at Kareem. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More