Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Giannis sapol ng injury

0 157

KAILANGANG magtrabaho nang todo ng Milwaukee Bucks upang humaba ang kanilang buhay.

Ito ang kanilang ginawa sa Game 4, kumayod si Khris Middleton upang akbayan ang Bucks sa 118-115 overtime win laban sa Miami Heat sa 2019-2020 second round playoffs kahapon.

Hindi nasira ang loob ng Eastern Conference topnotcher Bucks, kahit wala ang kanilang pambato na si Giannis Antetokounmpo sa buong second half ay nanatili silang naka pokus sa laro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kumana si Middleton ng 36 points at tig-walong assists at rebound upang makaiwas ang Milwaukee sa sweep.

Nasa ilalim pa rin ang Milwaukee, (1-3) sa kanilang best-o-f-seven series, kailangan pa nilang manalo ng tatlo para sumampa sa Eastern Conference final.

Lumabas sa second quarter si reigning Most Valuable Player (MVP) Antetokounmpo dahil sa ankle sprain, nakapagtala pa siya ng 19 markers.

Namuno sa opensa para sa Heat si Bam Adebayo na may 26 puntos, 12 rebounds at walong assists. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.