Una sa Balita

Giannis pinaamo ang Bulls

0 322

NILISTA ni Giannis Antetokounmpo ang 13th straight double-double niya ngayong season at sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls 115-101 Lunes nang gabi.

May 33 points at 10 rebounds si Antetokounmpo, 13 of 22 mula sa floor para kumpletuhin ang longest active streak sa NBA.

Umayuda ng 19 points at 10 rebounds si Brook Lopez sa pang-apat na sunod na panalo ng Bucks at pang-walo sa huling siyam.

Bumalik mula G League si Daniel Gafford at umiskor ng 21 para pangunahan ang Bulls. May 13 at 12 sina Coby White at Ryan Arcidiacono.

Humugot ng 63 points ang Chicago mula sa reserves, pero nangapa sina Zach LaVine at Lauri Markkanen. Tumapos si LaVine ng 11 points mula 4 of 16 shooting, 9 kay Markkanen ng 2 of 12 mula sa field.

Sa dalawang 3s ni White ay lumamang ang Bulls 99-98 may 6:23 pa, pero sinara ng Bucks ang laro sa 17-2 run.

Inumpisahan ng reverse layup ni ­Antetokounmpo ang ratsada, sinundan ng three-point play ni Eric Bledso 103-99 Bucks. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy