Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Giannis niluray ‘Splash Brothers’

0 46

SUMAKAY ang Milwaukee sa pangatlong triple-double ngayong season ni Giannis Antetokounmpo para lurayin ang bisitang Golden State 118-99 Huwebes ng gabi sa Fiserv Forum.

Tumapos si Antetokounmpo ng 30 points, 12 rebounds at 11 assists para kumpletuhin ang 28th career triple-double.

Nag-ambag si Khris Middleton ng 23 points, 20 kay Bobby Portis.

Sa first 24 minutes lang ay may 23-7-7 na si Antetokounmpo. Start-to-finish na nasa unahan ang Bucks, malayo na 77-38 sa halftime.

Related Posts

Diyeta sa 12 points si Stephen Curry, may 11 si Klay Thompson. Combined 7 of 22 mula sa field ang Splash Brothers.

“We just got off to a terrible start where everything went wrong on both ends of the floor,” suma ni Curry sa sinapit ng Warriors (30-11).

Nakabalik na mula COVID-19 protocols si Milwaukee (27-17) coach Mike Budenholzer, pero nasa health and safety protocols pa si guard Jrue Holiday.

Naibaba ng Warriors ang hinahabol sa 18 sa bukana ng fourth, pero hanggang doon na lang. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.